Pansamantala munang isinara para sa mga turistang mula sa ibang bayan ang mga resorts sa bayan ng Santa Fe, Romblon kasunod ng ulat na isang health worker sa bayan na sumalang sa reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing ang nagpositibo sa coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Kabilang sa mga pansamantalang isinara sa publiko ang bagong atraksyon ng bayan na Santa Fe Downtown Resort.
Ayon sa pamunuan ng Santa Fe Downtown Resort, tanging mga local residents lamang ng bayan ng Santa Fe ang papayagan muna sa mga resorts habang hindi pa gumagaling sa virus ang health worker.
Nagsagawa na rin ng revalidation sa result ng health worker ang lokal na pamahalaan para makasiguro na may virus ito o wala.
Inaasahang ngayong Biyernes, February 5, lalabas ang resulta ng revalidation.