Tinanggal ng Pagasa (Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) ang babala ng bagyo sa lalawigan ng Romblon ngayong alas-11 ng gabi matapos humina at maging tropical depression nalang ang binabantayang bagyong Auring o may international name na Dujuan.
Ayon sa Pagasa, 55 km/h nalang ag dala nitong hangin malapit sa gitna at may bugsong 70 km/h.
Huling namataan ang mata ng bagyo sa layong 210 km East ng Surigao City, Surigao del Norte at gumagalaw patungong Northwestward sa bilis na 15 km/h.
Bagama’t wala ng babala ng bagyo, ayon sa Pagasa, makakaranas parin ang Romblon simula bukas ng umaga ng moderate hanggang heavy rains.
Posible ring makaranas ng malalakas na hangin ang probinsya sa loob ng 24 oras.
Samantala, nakataas naman ang gale warning sa probinsya kaya pinapayuhan ang mga maliliit na bangka na huwag muna pumalaot.