Nagsimula na ngayong araw ang unang bahagi ng Covid-19 vaccine information drive ng Alcantara Rural Health Unit.
Nilalayon ng kampanya na turuan ang publiko na ang mga bakuna ay makakatulong mapuksa ang tsansa na tamaan ng virus at mabawasan ang kalubhaan ng sakit sakaling magkaroon ng impeksyon ang isang tao.
Dumalo sa forum na ginanap sa Alcantara Public Plaza ang DOH Priority Group Representatives and Alcantara Vaccination Planning Team gayunrin ang iba’t ibang leader ng barangay at mga stakeholders.
Ipinaliwanag sa nasabing forum ang kahalagahan ng bakuna, at sinabing sinisiguro ng Food and Drug Administration na ligtas ang mga bakunang nabigyan ng Emergency Use Authorization (EUA).
Ang nasabing information drive ay ilan lamang sa pamamaraan na gagamitin ng Department of Health upang maipaabot ang tamang kaalaman sa publiko patungkol sa pagbabakuna.