Aabot sa 69 katao ang inaresto ng mga tauhan ng Philippine National Police sa rehiyon ng Mimaropa sa isinagawa nilang One Time, Big Time Operations noong January 29.
Ayon sa ulat ni Lt. Imelda Tolentino, hepe ng Regional Public Information Office ng Police Regional Office Mimaropa, ang 69 kataong naaresto ay bunga ng 91 police operations na kanilang isinagawa sa kalakhang rehiyon.
Sa bilang na ito, 24 ang wanted persons, habang ang 45 naman ay inaresto dahil sa paglabag sa mga special laws kagaya ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Samantala, 48 naman na mga baril ang kanilang nakumpiska at isinuko sa kanila sa isinagawa nilang Oplan Kato kung saan 37 rito ay long firearms at 11 naman ang short firearms.
Pinakamaraming naisagawang operasyon ang Oriental Mindoro Police Provincia Office na may 30 na operasyon at sinundan naman ng Marinduque na may 13 na operasyon habang sa Romblon naman ay 2 operasyon ang isinagawa.