Magiging payak ang pagdiriwang ng Biniray sa Romblon, Romblon ngayong taon ayon kay Cesar Malaya, focal person ng Municipal Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.
Ayon kay G. Malaya, puro religious activities at wala munang malalaking gawain gaya ng taunang street dancing at ang pitong beses na pag-ikot sa dagat ng pumpboat sakay ang Sto Nino De Romblon ang pagdiriwang ngayong 2021 dahil sa pandemya ng Covid-19.
Kaugnay nito, sinabi ng Katedral de San Jose (St. Jose Cathedral Parish) na magkakaroon parin ng panghapong/panggabing Misa simula sa Biernes, January 8 hanggang January 18.
Mananatili ang imahen ng Sto. Mini sa loob ng Katedral de San Jose upang maiwasan ang pagdagsa ng mga mananampataya bilang bahagi ng pag iwas sa pagkalat ng Covid 19.
Ang Biniray ay isa sa mga dinadayong kapistahan ng Sto.Nino sa Romblon gaya ng Ati-Atihan sa Cebu at iba in pang lalawigan. (Lyndon Plantilla/PIA-Mimaropa)