Nagsimula ng ibigay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) at Senior Citizens Affair (OSCA) ng bayan ng San Jose, Romblon ang mga social pension ng kanilang mga benepisyaryong Senior Citizens.
Ang social pension program ng pamahalaan ay naaayon sa Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 kung saan ang gobyerno ay magbibigay ng P500 sa lahat ng mahihirap na senior citizens bilang ayuda sa kanilang araw-araw na gastusin at mga gamot.
Ibinibigay ito ng kada semestre ng taon sa halagang P3,000.
Ayon rin sa batas, ang mga kwalipikadong senior citizen ay ang mga mahina, may karamdaman o may kapansanan; walang natatanggap na ibang pension mula sa gobyerno; at walang permanenteng source of income na tutugon sa kanilang araw-araw na gastusin.
Ang payout sa bayan ng San Jose ay inaasahang matatapos sa Huwebes, January 14.