Pinulong noong Biyernes ng lokal na pamahalaan ng Odiongan sa pamumuno ni Acting Mayor, Diven Dimaala, ang mga mangbababoy sa Odiongan Public Market.
Ito ay para pag-usapan ang ang problema sa supply ng karne sa bayan ng Odiongan.
Maalalang naibalita ng Romblon News Network nitong nakalipas na linggo na nakakaranas ng kakulangan ng supply ng mga karne ng baboy at manok ang bayan ng Odiongan at ilang bayan sa Romblon, ilang araw matapos ang holiday season.
Ipinaliwanag sa lokal na pamahalaan ng mga meat vendors na nakakaapekto sa supply ng karne ilang problema, kagaya ng pag-angkat ng mga baboy mula Romblon patungong Batangas at Manila, at ang pandemya ng Covid-19.
Nangako naman ang lokal na pamahalaan ng Odiongan na sila ay magpapasa ng ordinansa para mabigyan ng solusyon ang kinakaharap na problema ng bayan.
Ilan rito ay ang pag-regulate sa pagbiyahe ng mga baboy para manatili ang tamang supply ng karne sa palengke, pag pupursige sa publiko na pasukin ang backyard hog raising, at ang pag-amyenda sa Municipal at Barangay Ordinance patungkol sa pag aalaga at sa tamang presyuhan ng live weight at dressed meat.