Noong Biyernes ay tinanggap ng mga Barangay Day Care Workers ng bayan ng Odiongan ang mga food supplements na mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa kanilang feeding programs.
Mahigit sa isang libong (1,000) mga enrolled day care students at severely malnourished na mga bata mula sa 25 barangay ng bayan ang makikinabang sa mga feeding program na ito na tatagal ng 60 araw.
Sa susunod na linggo ay mag-uumpisa na rin ang 10th cycle ng Supplementary Feeding Program.
Layunin ng mga ganitong programa na mapabuti ang kalusugan ng mga bata sa bayan.
Samantala, ang mga masisipag na Barangay Day Care Workers ay natanggap na rin noong Biyernes ang kanilang 4th quarter allowance para sa taong 2020 na nagkakahalaga ng P3,000 na cash allowance mula naman sa Provincial Government ng Romblon.