Bukas na sa publiko ang bagong Community Learning Hub sa Barangay Poblcion sa bayan ng Corcuera, Romblon upang matulungan ang mga kabataan sa kanilang pag-aaral.
Sa nasabing Community Learning Hub, maaring gamitin ng libre ng mga estudyante ang mga gadgets at device para sa kanilang pag-aaral o di kaya ay mga research. Malaking tulong ito sa mga mag-aaral ng bayan na walang mga gadgets at internet connection sa kanilang mga bahay.
Ang nasabing Community Learning Hub ay proyekto ng opisina ng Bise Presidente ng Pilipinas, VP Leni Robredo, sa pakikipagtulungan ng lokal na pamahalaan ng Corcuera.
Dinisenyo ang Community Learning Hub na ito para matulungan ang mga estudyante na hindi nagagabayan sa pag-aaral sa bahay dahil walang kakayahan ang mga magulang, lalo na ngayong distance learning ang ipinatutupad na mode of learning sa bayan dulot ng pandemya ng coronavirus disease 2019 o Covid-19.