Naitala ngayong gabi ng Sabado, December 5, ang unang kaso ng coronavirus disease 2019 (Covid-19) sa bayan ng Looc, Romblon, ayon kay mayor Lisette Arboleda.
Ito ay isang locally stranded individual o LSI na umuwi ng probinsya noong ika-29 ng Nobyembre.
“Pagdating po noong linggo ay sa municipal quarantine facility tumuloy ang LSI at kinunan ng swab test para sa RT PCR noong huwebes 3 Dec 2020,” ayon sa Facebook post ng alkalde.
Inilipat na ang pasyente ngayong gabi sa isolation facility ng bayan habang nanatili naman itong asymptomatic.
Samantala, nagsagawa na ng contract tracing ang lokal na pamahalaan ng Looc at ang lahat ng natukoy ay sumailalim sa Rapid Antigen Test.
Sila ay kukunin ulit ng real-time reverse transcription polymerase chain reaction (rRT-PCR) sa Lunes.