Ang paskong ito ay kakaiba sa mga paskong nagdaan. Marami sa atin ang dumanas ng mabibigat na pagsubok. Pamilya, hanapbuhay, komunidad, lahat ay nagbago.
Sa aking pag iikot sa mga mahihirap na barangay sa ating probinsya upang magbigay tulong nakita at naramdaman ko ang katatagan ng bawat Romblomanon.
Dahil dito naniniwala ako na malalampasan natin ang ating nararanasan nang puno ng bagong pag asa. Bilang Bise-Gobernador at tumatayong pangalawang ama ng ating probinsya, kasama nyo akong haharap at magtataguyod sa laban na ito.
Naway magsilbing inspirasyon at aral ang mga nakalipas na panahon upang maipatuloy natin ang ating pagmamalasakit, pagtutulungan, pagbibigayan at pagmamahalan na syang tunay na diwa ng kapanganakan ni Hesus kristo. Manalig tayo sa Diyos at ating kakayanan para sa ating Bayan at mga mahal sa buhay. Patuloy tayong manampalataya at nagkakaisa. Kaya natin ito. May liwanang ang bukas. Maligayang Pasko!