Umakyat na sa 41 ang naitalang kaso ng Covid-19 sa probinsya ng Romblon matapos madagdag ngayong araw ang tatlong nag positibo na close-contact ng pasyenteng namatay sa bayan ng Romblon dahil sa virus.
Lumabas umano resulta ngayong araw base sa pahayag ng provincial epidemiology surveillance unit.
Ang tatlo ay nauna ng nag positibo sa Rapid Antigen Testing noong nakaraang mga araw at kinumpirma nga na Covid-19 ito base sa resulta ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) test.
Kasalukuyan silang nasa isang isolation facility.
Ang iba pang close contact ng pasyenteng nasawi sa Covid-19 sa Romblon, na aabot sa 47 katao, ay naka-isolate na rin at hinihintay nalang ang kanilang RT-PCR test results.
Samantala, ayon kay Romblon Municipal Disaster Risk Reduction and Management Officer na si Ceasar Malaya, negatibo ang resuta ng RT-PCR test ng 13 na close-contact ni Romblon Covid-19 Patient #35 habang inaantay ang 2 pang resulta
Nagpapatuloy naman umano ang contact-tracing ng lokal na pamahalaan sa mga close-contact naman ng frontliner mula sa Romblon District Hospital na nahawa rin sa virus.