Binalaan ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang probinsya ng Romblon na maghanda sa storm surge na posibleng dala ng paparating na bagyong Ulysses.
Batay sa inilabas na abiso nitong ika-10 ng Nobyembre, sinabi ng Pagasa, na 1m hanggang 2m ang pwedeng maranasan sa mga coastal areas ng Romblon, gayun rin sa CALABARZON, Aurora, Camarines Provinces, Catanduanes, Albay, Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Bataan, Marinduque, western coastal area ng Masbate kasama ang Burias Island, at northern coastal areas ng Occidental Mindoro at Oriental Mindoro kasama ang Lubang Island.
“These storm surges, which may be accompanied by swells and breaking waves reaching the coast can cause life-threatening and damaging coastal inundation,” ayon sa Pagasa.
Ang bagyong Ulysses ay huling namataan sa layong 475km East ng Virac, Catanduanes at tinatahak ang Northwestward direction sa bilis na 15 km/h.
Nakataas na ngayon ang tropical cyclone wind signal #1 sa mga probinsya ng Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Albay, Sorsogon, eastern portion ng Masbate (Aroroy, Pio V. Corpuz, Cataingan, Palanas, Uson, Dimasalang, Masbate City, Mobo, Baleno) including Ticao and Burias Islands, southern portion ng Quezon (Atimonan, Padre Burgos, Agdangan, Unisan, Plaridel, Gumaca, Pitogo, Macalelon, General Luna, Lopez, Catanauan, Mulanay, San Francisco, San Andres, San Narciso, Buenavista, Guinayangan, Tagkawayan, Calauag, Quezon, Alabat, Perez), Northern Samar, northern portion ng Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao), at northern portion ng Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad).