Isang pasyente sa bayan ng Romblon, Romblon na dinala sa Romblon District Hospital (RDH) dahil sa pneumonia, ang napagalamang positibo sa coronavirus diseases 2019, ayon sa opisyal na pahayag ng RDH nitong Biyernes.
Wala itong history ng travel kaya palaisipan pa kung paano niya nakuha ang nasabing virus.
Ang nasabing pasyente ay dinala sa RDH noong ika-16 ng Oktobre matapos dahil sa nararamdaman nitong pag-uubo, lagnat, at nahihirapan itong huminga.
Community Acquired Pneumonia at Dengue Fever with warning signs ang kanyang admitting diagnosis sa RDH.
Sa loob ng ilang araw na gamutan, hindi nagkaroon ng pagganda sa lagay ang pasyente kaya ito ay in-islate hanggang sa kunan ng Rapid Diagnostic Test kung saan nagpositibo siya sa IGg at Igm.
Dahil dito, agad na nagsagawa ang RDH ng reverse transcription polymerase chain reaction (RT PCR) test para malaman kung may Covid-19 siya, at ngayong araw nga ay lumabas ang resulta kung saan siya ay nagpositibo.
Sa kasalukuyan, naka-isolate parin ang nasabing pasyente at nasa maayos na rin umanong kalagayan.
Samantala, lahat ng empleyado ng ospital na nakasalamuha ng pasyente kabilang ang mga Doctor at Nurse ay isasailalim sa RT PCR upang masigurong hindi sila nahawaan.
Nagsasagawa na rin umano ng contact tracing ang lokal na pamahalaan ng Romblon para matukoy ang mga nakalamuha ng pasyente.
Pansamantala naman munang kinansela ng RDH ang pagdalaw sa mga pasyenteng kasalukuyang nasa ospital.
Paalala ng ospital sa publiko, patuloy na sumunod sa mga ipinatutupad na health protocols at guidlines ng pamahalaan katulad ng paligaang paghuhugas ng kamay, pagsusuot ng face mask at face shield, at ang pagkakaroon ng social distancing.
Ang nasabing pasyente ang ika-35 kaso sa lalawigan ng Romblon kung saan ang 34 ay gumaling na.