Pagpatak ng alas-9 ng umaga kanina ay sabay-sabay na nag dock, cover, and hold ang mga empleyado ng munisipyo ng Corcuera, Romblon bilang pakikiisa sa 2020 Fourth Quarter Nationwide Simultaneous Earthquake Drill o NSED.
Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council ng bayan.
Nagsimula ang drill sa tunog ng isang megaphone na hudyat ng isang malakas na lindol. Matapos mag dock-cover-hold ay dahan-dahan silang lumabas ng opisina at tumungo sa bakanteng lugar.
Ang emergency team naman agad na gumawa ng Incident Command Post (ICP) kung saan plinano ang gagawing rescue operation sa mga casualty.
Nilalayon ng earthquake drills na sanayin ang mga empleyado ng bayan sa mga wastong pagkilos gaya ng “dock, cover and hold” para iwas-pinsala.
Naging succesfull naman ang buong aktibidad ayon sa Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office ng bayan.