Aaraw-arawin na ang ginagawang clean-up drive sa Firmalo Boulevard sa bayan ng Odiongan, Romblon, isa sa mga sikat na pasyalan sa bayan.
Ito ay matapos ang matagumpay na Beach Clean-Up Drive 2020 na inilunsad noong nakaraang Biyernes, October 30, sa pangunguna ng lokal na pamahalaan ng Odiongan, Odiongan Municipal Police Station, Sangguniang Kabataan, at Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Odiongan Chapter.
Ang bawat grupo ng mga kabataan ay may designated area na lilinisan nila araw-araw upang mapanatili ang kalinisan nito.
Ayon kay dating Governor Eduardo Firmalo na ngayon ay empleyado ng lokal na pamahalaan, malaki umano ang ginagampanan ng mga kabataan sa community development ng bayan at malaking bagay ang mga ganitong gawain.
Ang youth mobilization na ito ay nabuo dahil na rin sa unang beach clean up noong August 22, 2020 na kung saan halos mga kabataan ang nag-volunteer sa paglilinis kasama ang Department of Environment and Natural Resources.
Samantala, dumalo rin sa nasabing clean-up drive sina Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic Dumalo, Vice Governor Dongdong Ylagan, Odiongan Vice Mayor Diven Dimaala, mga kawani ng Odiongan LGU, at mga opisyal ng iba’t ibang barangay.