Tinanggal na ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) ang babala ng bagyo sa probinsya ng Romblon ngayong alas-11 ng November 12, matapos tuluyang lumayo sa probinsya ang bagyong Ulysses.
Bagama’t wala ng storm signal, pinaalalahanan parin ng Pagasa ang mga residente ng Romblon sa matataas na alon na aabot sa 2.5 hanggang 4.5m.
Ayon sa PAGASA, ang bagyong Ulysses ay huling namataan sa layong 85km West ng Iba, Zambales o ngayon ay nasa West Philippine Sea.
Taglay ni Ulysses ang lakas ng hangin na 130 km/h malapit sa gitna at bugsong aabot sa 200 km/h.
Signal #3 parin ang nakataas sa western portion ng Pangasinan (Bayambang, Bautista, Alcala, Santo Tomas, Malasiqui, Santa Barbara, Mangaldan, Dagupan City, Basista, San Carlos City, Calasiao, Binmaley, Urbiztondo, Mangatarem, Aguilar, Bugallon, Lingayen, Labrador, Infanta, Mabini, Sual, Dasol, Burgos, Alaminos City, Agno, Bani, Bolinao, Anda), Zambales, Bataan, Tarlac, at Pampanga.
Nakataas naman ang Signal #2 sa central at southern portions ng Isabela (Mallig, Quirino, Ilagan, Roxas, Burgos, Gamu, Palanan, San Mariano, Dinapigue, San Guillermo, Benito Soliven, Naguilian, Reina Mercedes, Luna, San Manuel, Aurora, Cabatuan, Cauayan City, San Mateo, Alicia, Angadanan, Echague, Jones, San Agustin, San Isidro, Ramon, Santiago City, Cordon), Quirino, Nueva Vizcaya, Mountain Province, Ifugao, Benguet, southern portion ng Ilocos Sur (Cervantes, Quirino, San Emilio, Lidlidda, Santiago, Banayoyo, Candon City, Galimuyod, Gregorio Del Pilar, Salcedo, Santa Lucia, Santa Cruz, Sigay, Suyo, Tagudin, Alilem, Sugpon), La Union, natitirang bahagi ng Pangasinan, Aurora, Nueva Ecija, Bulacan, Metro Manila, Cavite, Rizal, Laguna, Batangas, northern at western portions ng Quezon (Mauban, Pagbilao, Tayabas City, Lucena City, Sariaya, Candelaria, San Antonio, Tiaong, Dolores, Lucban, Sampaloc, Real, Infanta, General Nakar) including Polillo Islands, northwestern portion ng Oriental Mindoro (Puerto Galera, San Teodoro), at ang northwestern portion ng Occidental Mindoro (Paluan, Abra de Ilog) including Lubang Island.
Signal #1 naman ang nakataas sa natitirang bahagi ng Isabela, Kalinga, Abra, natitirang bahagi ng Ilocos Sur, natitirang bahagi ng northern portion ng Oriental Mindoro (Baco, Calapan City, Naujan, Victoria, Pola), natitirang bahagi ng northern portion ng Occidental Mindoro (Mamburao, Santa Cruz), at central portion ng Quezon (Gumaca, Macalelon, Pitogo, Unisan, Agdangan, Plaridel, Atimonan, Padre Burgos, Quezon, Alabat, Perez).