Lalo pang lumakas ang bagyong Ulysses, batay sa huling weather bulletin ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa) kaninang alas-5 ng hapon.
Taglay na ngayon ni Ulysses ang 85 km/h na hangin malapit sa gitna at bugsong aabot sa 105 km/h habang tinatahak ang Northwestward direction sa bilis na 15 km/h.
Sa ngayon, nakataas na ang Signal #1 sa buong lalawigan ng Romblon.
Signal #1 rin ang naktaas sa mga lugar ng Quirino, Nueva Vizcaya, eastern portion ng Pangasinan (San Nicolas, Natividad, San Quintin, Umingan, Balungao, Rosales, Santa Maria, Tayug, Asingan, San Manuel), Aurora, Nueva Ecija, Tarlac, Pamapanga, Bulacan, central at southern portions ng Zambales (Masinloc, Palauig, Iba, Botolan, Cabangan, San Felipe, San Narciso, San Marcelino, Castillejos, Subic, Olongapo City, San Antonio), Bataan, Quezon including Polillo Islands, Metro Manila, Rizal, Laguna, Cavite, Batangas, Camarines Norte maliban sa eastern portion, Masbate including Ticao and Burias Islands, Marinduque, Oriental Mindoro, Occidental Mindoro including Lubang Island, Northern Samar, northern portion ng Samar (Santo Nino, Almagro, Tagapul-An, Tarangnan, Calbayog City, Santa Margarita, Gandara, Pagsanghan, San Jorge, San Jose de Buan, Matuguinao), at northern portion ng Eastern Samar (Maslog, Dolores, Oras, San Policarpo, Arteche, Jipapad).
Signal #2 naman ang nakataas sa eastern portion ng Camarines Norte (San Vicente, Talisay, Daet, San Lorenzo Ruiz, Basud, Mercedes), Catanduanes, Sorsogon, Albay, at Camarines Sur.