Sa pagsisimula ng 18 na araw na kampanya para itigil ang karahasan sa mga kababaihan, nagsimula na rin ang malawakang information dissemination na ikakasa ng Odiongan Municipal Police Station at n Municipal Local Council of Women sa bayan ng Odiongan.
Kahapon, mg kalalakihan at mga residente ng Barangay Dapawan sa nabanggit na bayan ang kanilang inimbeta sa isang seminar kung saan tinalakay rito ang mga karapatan ng mga kababaihan. Ipinaliwanag rin rito ang mga kasong maaring kaharapin ng sinomang mapapatunayang mananakit ng babae.
Dumalo rin rito ang mga mag-asawang madalas nagsusumbong sa barangay ng mga problemang mag-asawa.
Ayon sa Odiongan Municipal Police Station, araw-araw silang magsasagawa ng seminar at information dissemination sa buong bayan sa loob ng 18 na araw.
Ang 18-Day Campaign to End Violence against Women ay isang kampanya sa pagtataguyod ng karapatang pantao ng mga kababaihan sa pagtugon sa karahasan batay sa kasarian o gender-based violence.