Arestado ang tatlong mangingisda mula sa Magdiwang, Romblon matapos iligal silang gumagamit ng compressor habang nangingisda sa dagat na sakop ng Barangay Cantagda, Cajidiocan, Romblon.
Sila ay naaresto ng pinagsamang pwersa ng Coast Guard Sub Station – Cajidiocan at Coast Guard Sub Station – Magdiwang.
Ayon sa ulat ng Cajidiocan Municipal Police Station, ang tatlong mangingisda na kinilalang sina Valentino Gado, Arwin Ramilo, at Jayson Ramilo, ay nangingisda ng maabutan ng nagpapatrolya na mga tauhan ng Coast Guard.
Nakuha sa kanila ang isang unit ng bangka, isang air tank compessor, 90 meters na hose, flippers, eye googles, at iba pang gamit sa pangisda.
Nakakuha rin sila ng isda na tinatayang aabot sa 5 kilo o P500.
Nakakulong ngayon ang 3 sa Cajidiocan Municipal Police Station habang hinihintay ang kanilang bayad sa paglabag sa ordinansang nagbabawal ang paggamit nt compressor.