Sinuspende ni Odiongan acting mayor Diven Dimaala ang pasok sa mga pribado at opisina ng gobyerno sa bayan simula ala-una ng hapon ngayong Miyerkules, October 14.
Ito ay para makapaghanda ang publiko sa paparating na bagyong Ofel.
Pinapayuhan ng otoridad ang publiko na ihanda ang kanilang mga gamit sa bahay, at mag-imbak ng pagkain, tubig, at iba pang pangangailangan.
Tumutuok rin umano samga balita para sa mga bagong impormasyon kaugnay sa bagyong Ofel para mas maging handa.
Samantala, pinapalikas na ng munisipyo ang mga nakatira sa low-lying, coastal at riverside areas, o di kaya yung mga flood-prone at landslide-prone areas na magsagawa na ng preemptive evacuation at tumungo na sa pinakamalapit na evacuation area.
Sa huling taya ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (Pagasa), tinutumbok na ng bagyong Ofel ang mga probinsya ng Marinduque at Romblon sa Mimaropa taglay ang lakas na 45km/h malapit sa gitna.
Nakataas parin ang Tropical Cyclone Wind Signal No. 1 sa lalawigan ng Romblon.