Balik operasyon na simula ngayong October 1, 2020 ang operasyon ng Small town lottery (STL) sa probinsya ng Romblon ayon sa isang advisory ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
“This is to inform the public that effetive October 1, 2020 Small Town Lottery operations by Small Town Lottery Authorized Agent Corporation operating before the suspension due to the Covid-19 pandemic will resume provided that they shall have no shortfall of defiency in the cash bond as certified by the Branch Operations Sector and Accounting and Budget Department,” ayon sa pahayag ng PCSO.
Sinabi rin nila na ang mg aoperator ay dapat may ipinasang health and safety protocols para sa mga STL na ininspeksyon ngBranch Operations Sector.
Sa dating pahayag ni PCSO general manager Royina Garma, ang operation ay muling susupendihin kung isasailalim sa enhanced community quarantine (ECQ) or modified ECQ ang isang lugar. (PJF/RNN)