Nagtulungan ang lokal na pamahalaan ng Odiongan at ang Philippine Red Cross (PRC) maging abot kamay ang RT-PCR/Swab test ng mga uuwing LSI, OFW, at APOR sa bayan ng Odiongan.
Sa inanunsyo ngayong araw, October 7, ng Odiongan Public Information Office, sinabi nila na ang mga locally stranded individual (LSI), returning OFW, at Authorized Persons Outside Residence (APOR) ay maari ng magpa-swab test sa murang halaga para hindi na kailangang hintayin na matapos ang 14 days facility quarantine.
Sa halagang P5,500 ay kukunan na ng swab test ang indibidwal sa ikalimang araw ng kanilang quarantine at makukuha ang resulta sa loob ng 24-48 na oras matapos matanggap ng PRC Batangas ang sample.
Para sa mga interesado, maaring tumawag umano sa Rural Health Unit sa numerong (042) 567 5111/ 0948 987 3311 para magpa-schedule.
Ang mga kamag-anak na na hindi naka-quarantine ang maaring magbayad sa Municipal Treasurer’s Office kapag nakapagpaschedule na sa RHU.