Kahit malayo sa dadaanan ng bagyo, naghahanda parin ang mga lokal na pamahalaan sa lalawigan ng Romblon sa posibleng epekto ng bagyong Rolly kung ito ay lumapit sa probinsya.
Sa bayan ng Odiongan, Romblon, nagsagawa na ngayong araw ng Pre Disaster Risk Assessment (PDRA) meeting.
Pinag-usapan rito ang mga dapat paghandaan at hindi na mauulit na nangyari noong nakaraang bagyong Quinta kung saan isang binata ang nasawi matapos anurin ng ilog.
Sa bayan naman ng Magdiwang, naghanda na ng mga gamit pang-rescue ang mga tauhan ng Coast Guard Station Magdiwang para kung sakaling may pagbaha o kailanganin ang tulong nila ay agad silang makapag deploy.
Nakahanda na rin ang gagamitin nilang speed boat kung sakaling may rescue operation sa dagat.