Ipinagdiwang ng iba’t ibang Indigenous Peoples (IPs) community sa probinsya ng Romblon kamakailan ang National Commission for Indigenous Peoples (NCIP) Month.
Sa bayan ng Odiongan ang sentro ng selebrasyon ngayong taon kung saan dumalo ang iba’t ibang kinatawan ng mga katutubong grupo sa lalawigan.
Pinangunahan ito ng National Commission on Indigenous Peoples – Odiongan Community Service Center at ng opisina ni Indigenous People Mandatory Representative Lettie Magango.
Sa mensahe ni NCIP-Romblon head Mr. Jay Garcia sa nasabing pagdiriwang, sinabi nito na patuloy na nakikilala at nasusunod ang IPRA law sa probinsya ng Romblon dahil nitong nakaraang mga buwan ay sunod-sunod ang pagupo ng iba’t ibang mga IPMR sa iba’t ibang bayan at barangay na siyang tutulong sa pagbabalangkas ng mga ordinansa at programa na tutulong sa mga IP.
Ang pagdiriwang ngayong taon ng NCIP Month ay temang ‘Correcting Historical Injustices for Indigenous Peoples Rights and Welfare’.
Maliban rito, pinagdiriwang rin ngayong taon ang ika-23 taong pagkakapasa ng IPRA Law o ang Indigenous Peoples’ Rights Act of 1997.