Magsisimula ng mag-operate sa bayan ng Looc sa darating na October 15 ang HungryBear, ang kauna-unahang multi-restaurant delivery service sa probinsya ng Romblon.
Ito ang inanunsyo ng isa sa kinatawan ng HungryBear nitong Huwebes, October 8, sa ginanap na onboarding Orientation kasama ang ilang miyembro ng Homebased Industries Manufacturers Organization (HIMO) sa Odiongan nitong Huwebes kaugnay sa online e-commerce na inorganisa ng Department of Trade and Industry.
Sa nasabing forum, sinabi ni Paul Jaysent Fos, kinatawan ng HungryBear, na ang desisyon para dumagdag ng serviceable area ay naging bunga ng matagumpay na paglulunsad ng operasyon sa bayan ng Ferrol at San Andres kamakailan.
Inaasahang magkakaroon rin ng localization sa bayan ng Looc kung saan ang kanilang mga local restaurants ay maari ring maging delivery partner ng HungryBear.
Maaring ma-download ang HungryBear App sa Goole Playstore para sa mga Android smartphone users o di kaya ay bisitahin ang kanilang website sa http://hungrybeardelivery.com/. (PR)