Pormal ng binuksan ngayong araw, October 21, ang service desk ng Government Service Insurance System o GSIS sa probinsya ng Romblon sa pamamagitan ng virtual launching na pinamunuan ng GSIS Main Office sa Metro Manila.
Sa nasabing aktibidad, sinabi ni GSIS Batangas branch Manager Leon Ma. E. Fajardo na malaking tulong para sa mga taga probinsya ng Romblon ang pagkakaroon ng service desk ng GSIS sa lalawigan dahil hindi na kailangan pumunta ng Batangas o Pasay City ang mga miyembro nila para mag-asikaso ng kanilang mga loans.
Ilan sa mga loan programs na maari ritong i-avail ng mga GSIS members ay ang GSIS Financial Assistance Loan o GFAL, na isa sa pinakamadalas na applayan na loan program sa ahensya.
Bukas ang kanilang opisina sa publiko para tumanggap ng mga loan application mula alas-9 ng umaga hanggang alas-2 ng hapon tuwing Lunes hanggang Huwebes.
Batay sa taya ng GSIS, aabot na sa mahigit 10,000 ang kanilang miyembro sa probinsya ng Romblon at sila ay taon-taong may transaksyon sa ahensya.
Nagkakaroon rin ng Stakeholders Dialogue na dadaluhan nina GSIS Executive Vice President Nora M. Malubay, Romblon Governor Riano, at Service Desk Officer Senia Mariveles sa nasabing aktibidad.
Ipapaliwanag rin sa nasabing aktbidad ang mga programa at plano ng GSIS na maari sa probinsya.