Hindi lamang food packs, at mga tsinelas ang ipinamahagi ng pinagsamang pwersa ng Pamahalaang Lokal ng Odiongan, Romblon Provincial Mobile Force Company, Banayad Lifestyle, Sangguniang Kabataan, Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) at Barangay Council ng Barangay Pato-o sa mga residente ng Sitio Aurora maging ang bibliya.
Bahagi ito ng isang outreach activity na may temang “Pagliyabin ang Ningas ng Pag-Asa at Bayanihan sa Panahon ng Pandemya” na ginanap sa Aurora Elem. School kamakailan.
Naglakad ng halos tatlong oras ang grupo sa madudulas at malalim na putik bago naabot ang ang nasabing eskwelahan.
Ayon kay Captain Manuel Fernandez Jr., ng Odiongan Municipal Police Station, layunin ng aktibidad na ito na ay ibahagi ang Karunungan Kontra sa Kahirapan (KKK) school-based project ng Odiongan Municipal Police Station, na kung saan nakapaloob dito ay ang pagbibigay ng mga school supplies sa mag-aaral, feeding activity, story-telling, pamamahagi ng mga flyers ng mga tips sa kaligtasan para sa mga bata, Anti-Illegal Drugs and Terrorism lecture para sa kabataan at iba pang kaugnay na usapin na magpapasiklab sa disiplina at pagpapahalaga ng mga bata sa educkasyon.
Bahagi rin umano ito sa mga programang sumusuporta sa National Task Force – End Local Communist and Armed Conflict (NTF-ELCAC).
Maliban sa mga nabanggit, nagkaroon rin ng Spiritual Upliftment Activity sa pasimuno ni Pastor Wenadel Joy M Atilano, Municipal KKDAT President sa isang bonfire setting na naaayon sa tema – Pagliyabin ang Ningas ng Pag-Asa at Bayanihan sa Panahon ng Pandemya.
Nagsimula ang isang maikling programa kung saan ay malugod na tinanggap ni Gng. Julie Mercado, Teacher-In-Charge ang outreach team. Ang mga mensahe ng pasasalamat ay ibinigay ni SK Chairpeson Sherlyn Calay at Punong Barangay Darlyn Fornal. Nagkaroon ng praise and worship na pinangunahan ng KKDAT Bangon members.
Sa ikalawang araw ng pananatili ng grupo sa sitio, nagkaroon ng Morning Devotion ang mga bata kasama si Pastor Berwin Ventura ng Aurora Foursquare Gospel Church at pagkatapos nito ay nagtungo ang grupo sa Library of Trees para sa isang Tree Planting Activity.
Masayang nagpasalamat naman ang mga residente ng Sitio Aurora sa grupo lalo na sa gobyerno sa walang sawang pagbibigay ng tulong sa kanilang lugar kahit ito ay napakalayo sa Poblacion.