Tiklo ang tatlo katao sa bayan ng Odiongan, Romblon matapos di umanong mabilhan ng ipinagbabawal na shabu ng mga tauhan ng Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency nitong Linggo ng hapon.
Ang mga naaresto ay kinilalang sina Dodge Alojado, 36; Aubrey Lance Alojado, 25; at Donato Paminutuan, 29.
Ayon sa police report mula sa Odiongan Municipal Police Station, bandang 4:25 ng hapon nang isagawa ang operasyon laban sa mga suspek.
Nabilhan umano nila ang mga ito ng isang plastic sachet na may pinaghihinalaang shabu kapalit ng P2,000.
Ang inbentaryo ng mga nakuhang gamit sa mga suspek ay ikinasa sa harap ng mga opisyal ng barangay, media, at kinatawan ng National Prosecution Service (NPS).
Samantala, sinabi ng pulisya na ang magkapatid na Alojado na kanilang naaresto ay nakulong na dahil rin sa kasong may kinilaman sa droga at kasalukuyang nasa laya matapos makapag piyansa.
Nakakulong na ngayon ang mga suspek sa Odiongan Municipal Police Station. Sasampahan ang tatlo ng kasong paglabag sa Section 26, Article II ng Republic Act 9165.