Nagtipon nitong Huwebes sa Hiland Beach Resort, Brgy. Budiong, Odiongan, Romblon and mga magagaling na kabataang artists ng bayan ng Odiongan para sa isa na namang makabuluhang kaganapan – ang On-the-Spot Logo Making Contest para sa KKDAT Odiongan Chapter.
Ito ay magkasamang inogranisa ng Odiongan Muncipal Police Station, Sangguninag Kabataan ng Odiongan, Kabataan Kontra Droga at Terorismo at ng Pamahalaang Lokal ng Odiongan kung saan ito ay maitatala sa kasaysayan ng Odiongan KKDAT dahil ang magwawaging logo ay siyang opisyal na gagamitin nang nasabing youth organization.
Ang nasabing contest ay nagsimula sa isang maikling programa na kung saan ay nagbigay ng mensahe ng pasasalamat at pagbati sina Pastor Wenadel Joy M Atilano, Municipal KKDAT President, Hon. Kaila A Yap, Municipal SK Federation President, PCPT MANUEL F FERNANDEZ JR, Chief of Police ng Odiongan MPs, at Mayor Trina Alejandra Q. Firmalo-Fabic.
Sa nasabing kompetisyon, nagwagi ang logo na gawa ni Ms. Marcella Victoria Galang, mula Barangay Ligaya.
Napahanga ni Galang ang mga hurado sa gawa niyang logo na inaasahang isasalin nalang sa digital copy bago opisyal ng gagamitin ng KKDAT Odiongan.