Ang unang bugso ng pangalawang programa ng Pantawid Liwanag Part 2 na hatid ng Association of Philippine Electric Cooperatives o APEC katuwang ang Romblon Electric Cooperative, Inc. o Romelco ay inilunsad sa munisipyo ng Concepcion, Romblon kamakailan.
Sa nasabing programa, ang mga benepisyaryo ay makakatanggap ng tatlong libong pisong (P3,000) tulong mula sa mga koop ng kuryente.
Ang mga Member/Consumers/Owners o MCO na apektado ng kasalukuyang pandemya ay nakatanggap ng 1,500 pisong cash tulong pinansyal at 1,500 na halagang bayad para sa kanilang buwanang konsumo sa kuryente.
Samantala, ayon sa ROMELCO, nagpapatuloy ang pamimigay nila ng ayuda sa iba pang munisipyo sa Romblon na kanilang naseserbisyuhan.