Kinilala ng Department of Tourism – Mimaropa (Mindoro, Marinduque, Romblon, Palawan) ang programa ng Romblon News Network at ng Bayay Sibuyanon na Humbak Ng Pag-Uswag (HNP) nitong Biyernes sa ginanap na MIMAROPA Tourism Appreciation and Recognition Day.
Dahil sa pandemya, ang nasabing recognition day, na may temang Pink Life: Nurture, Foster and Understand Amid A Pandemic, ay ginanap sa pamamagitan ng video conference kung saan pinarangalan rin ang ilang stakeholders.
Ayon kay DOT-MIMAROPA Regional Director Engr. Christopher Morales, ang binigay na pag-kilala sa programa ni Rodne Galicha sa Romblon News Network (RNN) ay dahil sa pagtutok nito para masagot ang mga katanungan ng mga locally stranded individuals o LSI na gustong umuwi sa Romblon.
Kinilala rin ang ginawang survey ng HNP para sa mga Romblomanong gustong umuwi ng Romblon.
Ang HNP ay nagsimula noong March 2020 sa RNN.
Maliban sa HNP, kinilala rin ang DOT’s Office of Public Affairs and Advocacy, NCR-Airport Reception Unit, Department of Health, Philippine Coast Guard, at ang Bureau of Immigration at Civil Aviation Authority of the Philippines na nakabse sa Puerto Princesa City.
Kinilala rin ang 2Go Shipping, Air Swift, Montenegro Shipping, Starhorse Shipping, Starlight Shipping, at The Funny Lion Resort. Kinilala rin ang Lio Airport, Yoshi Ohtsoka of Palawan Divers, El Nido Chamber of Commerce Inc., Pilipinas Shell Foundation Inc., and Sitel Philippines Corp., na matatagpuan sa El Nido.
Binigyan rin ng pagkilala ang mga bayan ng San Jose, Sablayan, Puerto Galera, Magdiwang, Romblon, Busuanga, Coron, El Nido, San Vicente at mga siyudad ng Puerto Princesa at Calapan, at ang limang probinsya sa Mimaropa.
Kinilala rin ang ilang grupo gaya ng Association of Travel Agencies and Allied Tourism Enterprises, the Association of Accredited Tourist Accommodation of Puerto Princesa, Palawan Tourism Council, Calamianes Association of Tourism Establishments, at ang Pandurucan Cinema Film Makers Association of San Jose (Occidental Mindoro).
Individual awardees for excellence naman ang binigay kay Peter Collings ng D’Pearl Bay Busuanga at kay dating Director Rebecca Villanueva-Labit na tumulong para sa accreditation campaign ng Puerto Princesa City.
Personal Awardees rin sina Loreto Mantana, Charmaine Rhoda Mantana, Jose Ernadio at PSMS Rocelle Ramos Mayo, lahat ay galing sa bayan ng Busuanga. (PJF/RNN)