Upang mas masiguro ang kalusugan ng publiko, isang resolusyon ang ipinasa ng Sangguniang Bayan ng San Andres na nagbabawal muna ang pagbisita sa mga sementersyo sa darating na UNDAS 2020.
Batay sa resolution no. 88, simula October 31 hanggang November 2 ay bawal pumunta ang sinimumang bibisita sa kanilang mga namayapang mahal sa buhay.
Ang pagpunta umano sa sementersyo ng sabay-sabay ay isang uri ng mass gathering, ayon sa resolusyon.
Sinabi rin ng resolusyon na inaprubahan ng konseho na isa itong paraan upang maiwasan ang posibleng pagkalat ng coronavirus disease 2019 o Covid-19.
Para masigurong maipapatupad ang nasabing kautusan, magtatalaga ng mga bantay sa mga daan papasok ng sementeryo para mapigilan umano ang mga bibisita.