Target ng loka na pamahalaan ng Odiongan na makapag-produce ang bayan ng maraming agriculture products at supply sa gitna ng nararanasang pandemya ng banasa para makatulong sa mga naapektuhan ng pandemya ng Covid-19, kaya inilunsad ng bayan ang kanilang kauna-unahang Market Trade Fair sa bayan na tinawag na ‘Baligyaan sa Odiongan’, nitong Linggo, ika-27 ng Setyembre.
Ito ay programa ng lokal na pamahalaan na inorganisa ni dating Governor Eduardo ‘Lolong’ Firmalo, na ngayon ay Focal Person for Agriculture ng bayan, bilang tulong sa mga magsasaka na naapektuhan ng pandemya ng coronavirus disease 2019 o Covid-19.
“Dahil ngayong pandemya ay maraming nawalan ng trabaho, maraming nasasayang na oras, gusto po natin na ma-stimulate ang economy natin. Ika ng ating binubuong 5-Year Development Plan (on Agriculture), ‘Produce, Produce, and We Will Market’,” pahayag ng dating Gobernador sa ginanap na punong balitaan sa Children’s Park and Paradise.
Ibinida sa nasabing Market Trade Fair ang mga murang halaman na patok ngayon sa mga bahay, mga murang isda at karne, mga gulay, mga discounted na furniture products, mga livestocks, at iba pa.
Simula palang umano ito ng mga programa ng lokal na pamahalaan para sa mga magsasaka at mangingisda. Sinabi ni Firmalo na posibleng masundan pa ito sa susunod na mga buwan at linggo kung maabot nila ang kanilang itinakdang ‘baseline’.
“Ang ating baseline, magpapakuha kami ng benta bawa’t section. Kung ang benta nila ay malaki, kung umabot ng P200,000 or more, siguradong masusundan po ito,” ayon kay Firmalo.
Sinabi ni Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic na layunin rin ng proyektong ito na mahikayat ang mga residente ng Odiongan na tangkilikin at bilhin ang mga produktong lokal habang pinapatupad ang mga alituntunin patungkol sa pagiwas sa COVID-19.
Samantala, sigurado umanong makakamura ang mga mamimili ngayong araw dahil magibbigay ng diswekento ang ilang shop owners lalo na ang mga nagbebenta ng bulaklak dahil wala umano silang babayarang fee sa munisipyo sa paglalagay ng pwesto sa Children’s Park and Paradise.