Inilatag na kagabi, September 28, ang nightly checkpoints sa Barangay Tulay at Poctoy sa bayan ng Odiongan, Romblon upang masigurong naipatutupad ng maayos ang curfew hours, at maiwasan ang mga aksidente.
Ang nasabing checkpoints ay pinagtutulungang bantayan ng mga tauhan ng lokal na pamahalaan ng Odiongan, Odiongan Municipal Police Station, Highway Patrol Group (HPG), Land Transportation Office (LTO), Army Reserve, at mga Barangay Officials ng Tulay at Poctoy.
Sinisigurado nila na ang mga motorista ay may lisensya at hindi nakainom ng alak, at ang mga motorsiklo ay hindi modified ang muffler.
Paalala ng otoridad sa publiko, bawal mag maneho ang menor de edad at bawal ang maiingay na tambutso. Dapat may lisensya (at dala-dala ito) kapag mag mamaneho.
Dapat nasa bahay na bago mag alas 10 ng gabi, pwera kung Authorized Person Outside of Residence.
Ang mga mahuhuling lalabag ay bibigyan ng kaukulang parusa.