Hinihikayat ng Department of Science and Technology-MIMAROPA ang mga mag-aaral na mag-apply sa 2020 Junior Level Science Scholarships at 2021 Undergraduate Scholarships ng ahensya.
Maaari kang mag-apply sa 2020 Junior Level Science Scholarships kung ikaw ay:
• Natural-born Filipino citizen;
• Grade 12 student na nasa ilalim ng STEM Track;
• Para sa non-STEM Grade 12 student: dapat kabilang sa upper 5% ng graduating class; at
• Para sa nakagraduate ng high school bago pa ang K-12 Program: dapat hindi pa nakakuha ng units sa kahit anong subject o kurso sa college/university level at siguraduhing kabilang sa upper 5% ng graduating class sa high school
Para sa gusto namang mag-apply sa 2021 Undergraduate Scholarships, tiyakin ang mga sumusunod:
• Natural-born Filipino citizen
• Kasalukuyang nasa ikalawang taon sa kolehiyo at nag-aaral sa alinmang kursong kinikilala ng ahensya na may kinalaman sa siyensya at teknolohiya
• Hindi bababa ng 83 percent ang general weighted average o GWA
• Walang bagsak na grado sa unang dalawang taon sa kolehiyo
• May katunayang residente siya sa kinatitirhang munisipyo sa loob ng nakaraang apat na taon.
Kabilang sa mga makukuhang pakinabang ng mga magiging iskolar ay libreng tuition fee, book allowance, premium insurance, buwanang allowance at post-graduation clothing allowance.
Makakatanggap din ng transportation allowance ang mga mag-aaral na lalabas ng kanilang lalawigan at summer allowance naman kung nakasaad sa curriculum.
Sa karagdagang impormasyon tungkol sa programa at mga hinihinging dokumento, makipag-ugnayan sa pinakamalapit na tanggapan ng ahensya o sa kanilang mga pahina sa social media. (PR)