Bilang pakikiisa sa International Coastal Cleanup (ICC) Day, iba’t ibang ahensya sa lalawigan ng Romblon ang nagsagawa ng clean-up drive nitong nakalipas na Sabado.
Sa bayan ng Ferrol, pinangunahan ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Romblon katuwang ang lokal na pamahalaan ng bayna ng Ferrol, Romblon ang paglilinis sa dalampasigan ng Binucot Beach. Kaisa nila sa paglilinis ang mga opisyal at residente ng Barangay Bunsuran, kasama ang ilang kabataan.
Nilinis nila ang mga basurang nagkalat sa buhanginan, at inipon para maitapon sa tamang lagayan.
Sa bayan naman ng Odiongan, maaga palang ng sabado ay nagumpisa nang maglinis ang mga tauhan ng lokal na pamahalaan sa sa may Firmalo Boulevard hanggang sa may baybayin ng Barangay Tabing-Dagat at Ligaya. Bitbit ang mga dalang walis, gulok, pala at mga lumang sako ay tulong-tulong na nagalis ng mga basura ang ating mga kalahok.
Sa Barangay Canduyong naman sa parehong bayan naglinis ang mga tauhan ng Odiongan Municipal Police Station kasama ang mga miyembro ng Tau Gamma Phi Odiongan Community Chapter.
Ang International Coastal CleanUp Day ay nagsimula noong 1986 sa pangunguna ng dalawang babae mula sa Ocean Conservancy kung saan aabot sa 2,800 ang naging kalahok sa unang ICC hanggang sa ito ay makilala bilang pinakamalaking pagtitipon ng mga boluntaryo para protektahan ang mga dagat, ilog, at mga lawa sa buong mundo.