Bilang ambag ng Department of Public Works and Highways – District Engineering Office Romblon sa kalikasan, aabot sa 4,000 na puno ng Narra ang kanilang itinanim kamakailan sa Barangay Limon Norte, Looc, Romblon.
Sa pakikipagtulungan sa Department of Environment and Natural Resources, naging matagumpay ang nasabing aktibidad na layuning makatulong sa paglaban sa nararanasang global warming ng mundo.
Nakiisa sa nasabing aktibidad ang mga ilang kawani ng gobyerno sa pangunguna ni Congressman Eleandro Madrona at Governor Jose Riano, gayun rin ang mga uniformed personel at ilang mga frontliners.
Bahagi rin ito ng pagsisimula ng ahensya sa pagdiriwang ng 2020 Civil Service Month.