Simula ngayong Martes, August 4, ay suspendido muna ang pagbibigay ng certificate of coordination ng lokal na pamahalaan ng Cajidiocan para sa mga uuwing locally stranded individuals (LSIs) at returning overseas filipinos (ROFs), ito ay ayon sa anunsyo ng Cajidiocan LGU Public Information Office.
Ang nasabing certificate of coordination na binibigay ng lokal na pamahalaan sa mga uuwing LSI at ROFs ay isa sa mga requirement na hinahanap ng probinsya ng Romblon para makabiyahe patungo ng probinsya ang mga nabanggit.
Dahil sa desisyong hindi muna magbibigay ng mga certificate of coordination, pansamantala rin munang matitigil ang pagpapauwi sa mga LSI at ROFs sa bayan.
Ang nasabing kautusan ay kasunod ito ng sunod-sunod na pag positibo sa Covid-19 ng mga umuwing LSI sa isla ng Sibuyan kamakailan.
Samantala, hindi naman apektado sa nasabing kautusan ang mga authorized person outside residence o APOR na may official travel sa isla.