Inanunsyo kahapon ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit o PESU-Romblon na gumaling na sa coronavirus disease 2019 o Covid-19 ang lahat ng pasyente sa Romblon na tinamaan ng nabanggit na sakit.
Ayon sa Ulat ng PESU-Romblon, ang limang (5) natitirang imported cases (LSI) ng Romblon ay gumaling na sa sakit base sa time-based at symptom-based strategy na ginagawa ng Department of Health.
Kasamang inanunsyo na gumaling na ay ang mag-inang nagpositibo sa virus sa bayan ng San Andres.
Sa hiwalay na ulat ng Rural Healt Unit ng San Andres nitong Miyerkules, sinabi nila na hinatid na pauwi sa kanilang mga bahay ang mag-ina kung saan sila mag-isolate ng dagdag na 14 para sa home quarantine.
Ang mag-ina umano habang naka-isolate ay hindi nagpakita ng anumang sintomas sa loob ng labing-apat na araw sa loob ng Isolation Facility ng bayan.
Sa pinakahuling tala ng PESU-Romblon ngayong Miyerkules, umabot na sa 23 ang kabuoang bilang ng kaso ng Covid-19 sa probinsya kung saan 3 rito ay local at 20 naman ang imported cases.