Tatlong (3) locally stranded individual na umuwi ng probinsya ng Romblon ang nadagdag pa sa bilang ng mga pasyenteng may Covid-19 sa probinsya base sa isinagawa sa kanilang swab test.
Ito ang lumalabas sa tracker ng Romblon Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) at kinumpirma ng Department of Health – Romblon nitong Linggo ng gabi.
Sa ulat ng PESU, lumalabas na ang dalawang LSI ay umuwi ng San Fernando ay naging close-contact ng 6 na LSI na nagpositibo noong nakaraang linggo; ang isa (1) naman ay umuwi ng bayan ng Romblon, Romblon.
Parehong mga asymptomatic o walang sintomas ng Covid-19 ang tatlo.
Sila ay magkahiwalay na naka-isolate sa tatlong isolation facility kani-kanilang bayan habang patuloy na nagsasagawa ng contact tracing ang mga lokal na pamahalaan sa mga nakasalamuha ng tatlo.
Sa kasalukuyan, may aabot na sa 10 ang active case ng Covid-19 sa probinsya kung saan walo rito ay sa San Fernando, 1 sa Magdiwang, at 1 sa Romblon.