Patuloy ang paghihigpit na ginagawa ng mga kapulisan sa bayan ng San Fernando para matigil ang iligal na pangingisda sa lugar at mapanagot ang mga lumalabag rito.
Nitong Miyerkules, apat na mangingisda ang naaresto ng mga tauhan ng San Fernando Municipal police Station matapos maaktuhang iligal na nangingisda sa dagat na bahagi ng Brgy. Azagra, San Fernando, Romblon.
Nakuha umano sa apat ang isang unit ng compressor na ginagamit nila sa pangingisda.
Batay sa Municipal Ordinance 35-B, bawal ang paggamit sa bayan ng compressor bilang breathing apparatus tuwing mangingisda.
Ang apat na nadakip ay agad naman ring pinalaya matapos magbayad ng multa sa Municipal Treasurer’s Office ng San Fernando.