Naramdaman hanggang Romblon ang paggalaw ng lupa dulot ng Magnitude 6.5 na lindol na yumanig sa Cataingan, Masbate pasado alas-8 ngayong umaga.
Sa isang bahay sa Odiongan, tila sumayaw ang kanilang chandelier matapos itong umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs, tectonic ang origin ng lindol.
Naramdaman ang Intensity V sa Masbate City, Masbate.
Intensity IV sa Mapanas, Northern Samar; City of Legazpi sa Albay; Lezo, Aklan; Palo, Letye; Iloilo City; Roxas City sa Capiz; at sa Naval, Biliran. Intensity III naman sa City of Bago sa Negros Occidental; Malinao Aklan; Jamindan, Capiz at Ormoc City.
Intensity II naman ang naramdaman sa Gumaca, Quezon; City of Sipalay, Negros Occidental; Valderrama, Antique; Sipocot, Camarines Sur; Talibon, Bohol; San Francisco, at Cebu.
Intensity I sa Malay, Aklan at sa City of Gingoog sa Misamis Oriental.
Sinabi rin ng Phivolcs na asahan ang damage at aftershocks.