Bilang paggunita ng National Disaster Resilience Month, sabayang nagtanim ng mga punong kahoy ang iba’t ibang ahensya at organisasyon sa bayan ng Looc, Romblon kamakailan.
Pinangunahan ito ng lokal na pamahalaan ng Looc kaisa ang Looc Sangguniang Kabataan Federation, Mga Barangay officials, Looc Municipal Police Station, Looc Fire Station at Talabukon Cyclists.
Layunin ng nasabing aktibidad na makapagtanim ng mga puno na tutulong para maiwasan ang pagkakaroon ng landslide sa lugar, isang paraan para masigurong ligtas ang mga residente nakatira malapit rito.
May aabot sa mahigit 100 punong kahoy ang naitanim ng grupo sa lupa ni Alfred Bancoro sa Barangay Balatucan.
Sa mensahe ni Looc mayor Lisette Arboleda sa maikling programa na bahagi ng aktibidad, nagpasalamat ito sa mga taong tumulong para matuloy ang nasabing programa gayun rin sa mga nagbigay ng seedlings na maitatanim sa lugar.