Isinusulong ng Sangguniang Bayan ng Odiongan ang pagkakaroon ng ‘one-side parking’ policy sa Poblacion area ng bayan lalo na sa mga kalsadang papasok ng Odiongan Public Market sa Barangay Dapawan.
Nitong Miyerkules, isang public hearing ang isinagawa sa Odiongan upang kunin ang suhestiyon ng iba’t ibang sektor ng lipunan kaugnay sa nasabing proposesyon ng Sangguniang Bayan.
Ayon kay Odiongan vice mayor Diven Dimaala, nais ng lokal na pamahalaan na mabawasan ang traffic sa mga kalsada sa Poblacion area at isa sa nakikita nilang paraan rito ay ang pagpapatupad ng ‘one-side parking’ sa mga kalsadang itinuturing na ‘one-way’ route.
Pinaburan naman ang nasabing panukala ng nakararami sa mga dumalo sa nasabing hearing.
Dumalo rin sa nasabing pagpupulong nitong Miyerkules si Odiongan mayor Trina Fabic na nagbigay rin ng suporta sa nasabing panukala.