Isang empleyado ng gobyerno ang inaresto ng mga tauhan ng PDEA MIMAROPA-Romblon Provincial Office kasama ang mga kapulisan sa Romblon dahil sa di umano ay pagbebenta ng iligal na droga.
Sa ulat ng PDEA-Mimaropa, ang suspek na si Jayson Fadri ay naaresto bandang alas-7 ng umaga may may Sitio Tabing-Bundok, Barangay Panique, Odiongan, Romblon matapos ang ikinasang buy-bust operation.
Si Fadri ay nagtatrabahong driver sa isang sangay ng national government agency sa probinsya.
Ayon sa PDEA-Mimaropa, nakuha umano nila sa suspek ang dalawang heat sealed transparent plastic sachets na pinaghihinalaang may lamang shabu na may timbang na halos 1 gram, at ang buy-bust money.
Dagdag ng PDEA-Mimaropa, ang suspek ay isang drug surrenderer noong panahon ng Oplan Tokhang.
Nakakulong na ngayon ito at mahaharap sa kasong paglabag sa Section 5 at 11 ng Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.