Aabot sa 15 na locally stranded individuals (LSI) ang napauwi sa Romblon sa pamamgitan ng Hatid Tulong Initiative.
Dumating sila nitong Martes sa mga pantalan ng Odiongan at Romblon sakay ng Hatid Tulong Initiative bus.
Masaya silang sinalubong ng Opisina ng Gobernador at PDRRMO sa pangunguna ni Gov. Jose R. Riano; ang kanyang Chief of Staff, Ronald M. Geronimo at OIC PDRRMO, Col. Roseller Muros (Ret).
Nilalayon ng Hatid Tulong Intiative ng pamahalaan na masagip at maibalik ang mga estudyante manggagawa, Overseas Filipino Worker at iba pang mga naistranded na kababayan nang maipatupad ang community quarantine sa National Capital Region at kalapit na lugar.
Bago bumiyahe, ang 15 na LSI ay pumunta muna ng Quirino Grandstand sa Luneta para sa Grand Send-Off ng Hatid Tulong Initiative.
Dinaan muna sila sa rapid test, at ang mga nag-negatibo ay nabigyan ng Authority to Travel ng Philippine National Police (PNP), financial assistance at iba pang ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Ang Hatid-Tulong Initiative ay sa pakikipagtulungan ng DSWD, Department of the Interior and Local Government, mga Regional Line Bureaus sa National Capital Region, Presidential Management Staff, Office of Civil Defense – Mimaropa at mga lokal na pamahalaan ng Mimaropa.