Sa pamamagitan ng isang sulat, humiling si Governor Jose Riano sa Regional Inter-Agency Task Force (RIATF) na pansamantala munang ihinto ang pagpapauwi sa Romblon ng mga locally stranded individuals (LSIs) at Returning Overseas Filipino (ROFs).
Sa mensahe na pinadala ni Governor Riano kay Director Wilhelm Suyko, kasalukuyang Regional Director ng Department of Interior and Local Government-Mimaropa, at kasalukuyan ring chairman ng RITF, sinabi ni Riano na dagsa na ang umuuwi na LSI at ROFs sa probinsya kaya nahihirapan na ang pagpapatupad ng health protocols sa mga isolation centers.
Aniya, mismong ang mga alkalde ng 17 na munisipyo sa lalawigan ang humiling sa kanya ng pansamantalang pagpapatigil sa pagpapauwi sa mga LSI at ROFs.
“There is a need to suspend the arrivals of the LSIs and ROFs to give our local government units (LGUs) enough time to guarantee that the facilities are redy to acept new batch of returning Romblomanons,” pahayag ng gobyernador.
Kung maaprubahan, pansamantalang ititigil ang pagpapauwi sa mga LSI at ROFs simula July 1 hanggang sa July 14.
Ang nasabing sulat ay kasunod sa pagpositibo sa Covid-19 ng isang LSI sa bayan ng San Fernando noong nakraang linggo.