Pinapayagan ng maligo sa beach at sa mga resorts ang mga Romblomanon sa iba’t ibang tourists attraction sa lalawigan, bilang bahagi ng guidelines sa pagpapatupad ng modified general community quarantine (MGCQ) sa probinsya.
Ito ang inihayag ni Romblon Governor Jose Riano ng makausap ng Romblon News Network nitong Martes ng hapon.
Aniya, basta masisisguro ng mga resorts owners ang kaligtasan ng mga lokal na turista ay papayagan silang mag-operate.
“Pinapayagan na sila ng national IATF, base sa guidelines nila, kaya pwede na sila maligo sa dagat,” pahayag ng gobernador.
Aniya, mahalagang mabuksan na ang tourism industry ng probinsya kahit sa mga local tourists lang para umano bumalik na ang sigla nito na pansamantalang itinigil dahil sa coronavirus disaese 2019 (Covid-19) pandemic.
Noong Lunes, ilang resorts na rin sa mga bayan ng San Andres at Calatrava ang nagbukas ng kanilang mga pinto para sa mga lokal na turista.