Magbibigay ng pabuya ang lokal na pamahalaan ng Odiongan sa makakaapgturo sa pumaslang kay second district board member Robert Maulion sa kanyang bahay sa Odiongan, Romblon noong Sabado.
Sa punong balitaan na dinaluhan ni Odiongan Municipal Police Station chief Manuel Fernandez Jr. nitong Linggo ng gabi, nabanggit nito na pinasasabi ni Odiongan mayor Trina Firmalo-Fabic na magbibigay ng P20,000 na pabuya ang lokal na pamahalaan sa sinumang lalantad upang ituro ang suspek.
Sinabi ni Captain Fernandez na maaring makipag-ugnayan sa kanila ang publiko kung may ideya o may nalalaman sila sa nasabing krimen.
Samantala, hiniling rin ni Fernandez sa publiko na huwag mangamba dahil patuloy ang pagpapatrol ng mga kapulisan paikot sa bayan ng Odiongan upang maiwasan ang mga ganitong krimen.
Dagdag pa nito, isa lamang isolated case ang nangyaring pagpaslang kay Maulion at nanatiling tahimik ang bayan ng Odiongan.